Full width home advertisement

Breaking News

Videos

Post Page Advertisement [Top]

Walang nakikitang mali ang aktor na si Robin Padilla sa pagkakahirang kay Mocha Uson bilang assistant secretary sa Presidential Communications Operations Office.

“Wala akong nakikitang mali,” pakli ng aktor.


Ayon sa Manila Bulletin, sinabi umano ni Padilla, kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kanyang pahayag matapos siyang hingan ng reaksiyon tungkol sa mga kritisismo na ibinabato kay Uson matapos ang pagkakatalaga nito sa posisyon.

“Walang mali doon, walang mali kay Mocha. Kung may mali man dito ay ito ’yung maraming naiingit kay Mocha,” anang aktor.


“Bakit ba natin minamaliit si Mocha? Dahil dati siyang nagpapa-seksi? Eh mas gusto ko naman ’yun kesa sa magnanakaw ’di ba? Mas disente ’di hamak si Mocha kumpara sa kanila,” dagdag pa niya.


Sinabi pa ng aktor na ang pagtatalaga kay Mocha sa posisyon ay hindi naman basta-basta ibinigay lang, kundi pinag-isipang mabuti.

Nangako si Padilla na ipagtatanggol niya si Mocha mula sa mga kritiko nito.

“Hindi ako papayag na apihin siya. ’Wag natin husgahan ang isang tao dahil sa nakaraan niya o kung ano man ang estado niya sa buhay. Tandaan n’yo, ang ating bayaning si Andres Bonifacio na siyang nagbigay ng kalayaan sa atin ay masalimuot din ang nakaraan – hindi nga nakapagtapos ng pag-aaral ’yun eh. So, kung titignan natin ang tao sa kung ano ang katayuan niya sa buhay eh tayo ang may diperensiya,” pagtatapos ng aktor.

Source :Manila Bulletin, CNN Philippines

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib