Ganyan din kay dating pangulong Ferdinand E. Marcos, itinuring din siyang diktador ng ilan kong kababayang pilipino, mga pilipino sarado ang puso't isipan na puro galit ang nasa puso. hindi nila naiisip na kung hindi dahil sa Martial law ay baka communism na din tayo ngayon, tulad ng North korea, china at Russia. kung saan wala kang kalayaan batikusin o magsalita ng masama laban sa gobyerno nila, samantalang si marcos, mas pinili niyang umalis kaysa dumanak ng dugo sa edsa. si marcos ang laging sinisisisi sa mga pang-aabuso noon, pero milyon milyon buhay ang kaniyang iniligtas sa mga kumunistang ang layunin ay sakupin ang pilipinas. bukod dito, hindi naaapreciate ng ibang pilipino ang napakadaming magaganda at mabubuting nagawa niya sa bayan. tulad ng mga dambuhalang imprastrakturang ipinatayo niya na hanggang ngayon napapakinabangan ng mga pilipino. sabi nila "Natural, pera ng taumbayan 'yon, saka 20 years siyang namuno." pero hindi nila naiisip kung hindi naging pangulo ang isang matalinong katulad ni marcos ay ano kaya ang bansa natin ngayon? samantalang ang mga sumunod sa kaniya na trilyon ang utang kahit isang libreng hospital para sa mahihirap ay hindi naisip magpundar. ang kaibahan sa buhay ni marcos at abraham, si marcos hindi mabigyan ng parangal bilang pag-alala dahil maraming mga taong humahadlang dito na kahit nakalibing na gusto pang ipahukay. naging sundalo siya at napasama sa death march, naging presidente na maraming nagawa pero siya ang masama sa mga aklat.
Advertisement
ngunit para sa katulad kong kabataan at sa iba pang kababayan ko, kami lamang ang nakaka appreciate ng kabutihan niya, kahit wala siyang bantayog at talambuhay sa aklat, sa puso namin siya ang itinuturing namin bayani. nanghihinayang ako sa isang katulad niya isang presidenteng napakataas ng pangarap. dahil sa kaniya minsan hinangaan ang pilipinas at tinawag itong "The tiger of asia" dahil isa ang pilipinas noon na bansang may disiplina, at papaunlad na. kung nasaan ka man ngayon Apo lakay, ako na ang humihingi ng patawad sa mga pagkakamaling nagawa ng aming mga magulang, patawad kung ilang dekada nilang ipinagkait sa 'yo ang ilibing ka sa lupa o sa piling ng iyong ina. at bilang pag-alala sa iyong kadakilaan isa ako sa mga kabataan patuloy na isulat ang mga nagawa mo upang imulat ang mga mata ng kabataan nabubulag sa maling istorya at aklat na binago ang kasaysayan.
- Ferdinand E. Marcos
photo © Pres. Ferdinand Edralin Marcos
No comments:
Post a Comment