Full width home advertisement

Breaking News

Videos

Post Page Advertisement [Top]

Hinimok ni President Rodrigo Roa Duterte ang mga health ministers mula sa iba't ibang bansa sa Asia-Pacific na magtulungan at magkaisa upang maresolba ang iba't ibang mga hamon at problemang pangkalusugan sa rehiyon sa ginanap na Asia-Pacific Healthy Islands Conference sa Marco Polo Hotel sa Davao City kahapon, July 25.





Kasama ring dumalo sa pagtitipon si Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go.



Ayon sa Pangulo, makikinabang ang mga mamamayan ng mga bansang lumahok kung magkakaroon ng koordinasyon at harmonized policies ang mga ito pagdating sa kanilang health care systems. Sinabi rin nito na kailangang gumamit ng mas komprehensibo at makabagong pamamaraan upang mas maitaguyod ang kapakanan ng kani-kanilang mga mamamayan.



Dumalo rin sa conference sina Health Secretary Francisco Climate Change Commission Secretary Emmanuel De Guzman, Chinese Ambassador Zhao Jianhua, at mga health ministers mula sa pitong bansa sa Asia-Pacific.


Mga kababayan, hinihikayat po tayo ni Kuya Bong Go na mas lalo pang suportahan ang gobyerno sa adhikain nito na mas mapabuti ang kalusugan ng bawat Pilipino. Tulad ng mga Malasakit Centers na ipinatupad na ng Office of the Special Assistant to the President simula sa iba’t ibang lugar sa bansa, sana ay maging mabuting halimbawa ito sa patuloy na hangarin ng gobyernong mabigyan ng ginhawa ang bawat Pilipinong nagkakasakit sa pamamagitan ng isang one-stop shop assistance center na ito.

Advertisement

Maging isa sana tayong ehemplo sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific sa pangunguna sa maayos na national health care support!

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib