Full width home advertisement

Breaking News

Videos

Post Page Advertisement [Top]


Erap: Oi Gloria, welcome back to the free world!

Gloria: Naku, ha, I can sense the sarcasm. At least ako walang sala, ikaw? Convicted plunderer ka no! Naku wala ka sana dito sa tabi ko ngayon kung hindi lang ako kinumbinse ni Mar Roxas na i-pardon ka for "humanitarian reasons" daw.

Nang sinabi ni Gloria ang pangalan ni Mar, nahulog ang tinidor ni Noynoy.

Erap: Oi, pareng Noy, okay ka lang?

Noynoy: Okay lang ako, pare.


Erap: Diba ikaw ang nagpakulong dito kay Gloria? Anyare?

Noynoy: Kasalanan yan ni Gloria kung bakit sya napalaya ng Supreme Court.

Gloria: Ako na naman?!

Noynoy: Ikaw talaga ang may kasalanan niyan. Itinuwid ko lang ang daan na ginawa mo.

Digong: To be fair, sir, di naman masyadong tuwid ang daan.

Noynoy: Tumahimik ka nga Hitler! Kapag di ka tumahik dyaan magpapa-people power ako! Tangena ka! Bilang na araw mo!

Digong: Pwede mo akong murahin, hwag lang sa malapitan, sir.

Erap: People power na naman? Parang yung EDSA II lang na sarswela ni Gloria. Hahahahahahaha!

Gloria: Excuse me! Yung EDSA III mo ang sarswela!

FVR: Ah basta, isa ako sa mga heroes ng legit na EDSA.

Noynoy: Huh? Ikaw ang hero? Ang nanay at tatay ko ang mga heroes hindi ikaw. Naalala ko noong 13 yo pa lang ako.....

Habang nagkukwento si Noynoy ng pinagdaanan ng kanyang pamilya under Marcos, sabay sabay kinuha nila Gloria, Erap, FVR, at Digong ang kanilang mga smartphones. At nag send ng message sa kanilang Whatsapp group:

Gloria: *rolls eyes"
FVR: IKR
Erap: LOL
Digong: WTF?

Advertisement
----

Habang panghimagas na...

FVR: Naku, Gloria ikaw na ang bagong speaker pala?

Gloria: Yes. Alam mo namang dyan tayo magaling, ang palitan ang mga dapat palitan.

Erap: O bakit ka sa akin nakatingin?

Gloria: Eto naman, masyadong sensitive. Tinitingnan ko lang si Noy at ang tahimik.

Digong: Oo nga pareng Noy, anong nangyayari sayo? Parang may sarili kang mundo dyan?

Noynoy: Huh? Nang-iinsulto ka bang mamatay tao ka?

Digong: Hala, nagtatanong lang mamatay tao na? Tama siguro iyong chismis tungkol sayo...

Gloria: Hay naku Digong ask me about it, dati ko yang estudyante. hahahahahahah

(Noynoy walks out)

FVR: Uy! Hwag kang bastos bumalik ka dito, di pa tapos ang dinner.

Noynoy: (Shouting from afar) I hate you guys!

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib